Thursday, November 8, 2012

SIYA NGA

Nasisilayan ka sa bintana
Pero ako'y di magpapahalata
Kasi kung ako'y iyong makikita
Tiyak na makakaramdam ako ng sobrang hiya

Araw-araw kitang nasisilayan
Pero 'di parin ako magsasawa sa mukhang iyan
Animo'y may kuryente
Pag nakikita kitang nakangiti

Sa sarili ko'y ako ay nakakahalata
Siguro ika'y minamahal na yata
Araw-araw na nagpapasigla ng aking buhay
Ang taong nakatira sa likod ng aming bahay...

No comments:

Post a Comment