Thursday, January 31, 2013

IKAW LANG
     dedicated to: Kimberly Baya

Ilang taon na ang lumipas
Pagmamahalan natin ay 'di parin kumukupas
Ilang away na ang dinaanan
'Di parin nagbabago ang nararamdaman

Kahit isang text lang galing sa'yo
Araw ko ay nabubuo
Ilang milya man ang layo sa isa't-isa
Ikaw parin at wala ng iba

Pagmamahal ko sa'yo ay di magwawakas
Dumaan man ang maraming bukas
Ikaw lang ang mamahalin pang habambuhay
Pangalan mo lang sinisigaw aking bhaii...

Monday, January 28, 2013

TREACHEROUS
   dedicated to: Ms. Carla Mae Bandayanon

Here comes the pain
After a wonderful feeling
Here comes the sorrow 
After loving you

Do you think it is safe?
After the broken heart you made
Do you think it is fine?
You are with me but i feel your not mine

Loving you is treacherous
But you will like it most
RUBELITA de PATILYA
   dedicated to: Ms. Rubel Olarte

Kaibigan at kaaway
Siya 'yung taong lagi mong karamay
Sa lungkot at saya iyong kaagapay
'Di mang-iiwan pang habang buhay

Sobrang galing magparealize
Lalo na kung magbibigay ng mga walang kwentang advice
Siya 'yung taong di natitikom ang bibig
At nandadamay pa kung siya'y sawi sa pag-ibig

Araw-araw siya'y masaya
Para bang wala talagang problema
Sobrang sarap kasama
Siya ang classmate at kaibigan kung si Rubelita de patilya :D
MY ONLY HERO
       dedicated to my only MAMA


Maalaga...
Mapagmahal...
Mapagbigay...
Matulungin...

'Yan yung taong simula noon hanggang ngayon,
Umaga't gabi sa aki'y nakatuon
Minsan pinapagalitan
Dahil sa aking lubos na kakulitan

Siya 'yung taong karamay mo panghabang-buhay
Kahit siya'y mawala alam kung siya'y laging nakabantay
Sa lungkot at tuwa siya'y kasama
Maraming salamat po sa lahat aking MAMA ...
SINING ng PAG-IBIG
             dedicated to: Riendyll Arriesgado 

Ano nga ba talaga ang syota?

Lahat ba ng commitment ay tama?
Ngayon siguro oo, pero pa'no bukas?
Madali nga lang ba itong magwakas?

Buhay pag-ibig ay puno ng katanungan

Kaya lang,  'di mo alam kung saan kukunin ang kasagutan
Tipong nakikipag hide-and-seek ang mga sagot sa kadiliman
Para bang may panahon na nakalaan kung kailan mo ito dapat malaman

One-sided-love, love triangle at kung anu-ano pa

'Yan yung tawag sa mga taong nagmamahal na, nasasaktan pa
Lahat yata tayo'y nalilito kung sino ba talaga
Ang deserving sa iyong pagmamahal at pagpapahalaga

Kunti lang naman talaga ang basehan sa pakikipagrelasyon

'Yun ay ang pagtanggap, pagpapahalaga, at pagrespeto sa iyong karelasyon
'Wag ka nga lang magkamali ng desisyon

Baka sa huli ikaw lang ang masasaktan 

Kung magmamahal ka ng taong 'di ka naman pinapahalagahan
Pero sa huli 'wag ka talagang magsisisi
Kasi kahit ika'y masasaktan alam mo naman ikaw ay may natutunan :)