Monday, January 28, 2013

SINING ng PAG-IBIG
             dedicated to: Riendyll Arriesgado 

Ano nga ba talaga ang syota?

Lahat ba ng commitment ay tama?
Ngayon siguro oo, pero pa'no bukas?
Madali nga lang ba itong magwakas?

Buhay pag-ibig ay puno ng katanungan

Kaya lang,  'di mo alam kung saan kukunin ang kasagutan
Tipong nakikipag hide-and-seek ang mga sagot sa kadiliman
Para bang may panahon na nakalaan kung kailan mo ito dapat malaman

One-sided-love, love triangle at kung anu-ano pa

'Yan yung tawag sa mga taong nagmamahal na, nasasaktan pa
Lahat yata tayo'y nalilito kung sino ba talaga
Ang deserving sa iyong pagmamahal at pagpapahalaga

Kunti lang naman talaga ang basehan sa pakikipagrelasyon

'Yun ay ang pagtanggap, pagpapahalaga, at pagrespeto sa iyong karelasyon
'Wag ka nga lang magkamali ng desisyon

Baka sa huli ikaw lang ang masasaktan 

Kung magmamahal ka ng taong 'di ka naman pinapahalagahan
Pero sa huli 'wag ka talagang magsisisi
Kasi kahit ika'y masasaktan alam mo naman ikaw ay may natutunan :)

No comments:

Post a Comment