Thursday, November 8, 2012

DALAWAMPU

Isa dalawa tatlo apat
Dahil sa ika'y pakalat-kalat
Lima anim pito walo
Puso ko'y biglang nabihag mo

Siyam sampu labing-isa
Simula ngayon hindi ka na mag-iisa
Labing-dalawa labing-tatlo
Ako kaya'y tatanggapin mo ng buong puso

Labing-apat labing-lima
Kung ika'y yayayain sasama ka ba?
Labing-anim labing-pito
Sana'y maniwala ka na ang damdamin ko para sayo ay totoo

Labing-walo labing-siyam
Ikaw lang talaga ang aking inaasam
At DALAWAMPU
Mamahalin parin kita kahit na ika'y lumayo...

No comments:

Post a Comment