Sunday, March 24, 2013

AKO
    dedicated to: Angelie Velete

Kung magmamahal ka

Kailangan nga ba ibasi sa hitsura?
Sa mga Sinasabi ng iba?
O sa nararamdaman mong kakaiba?

'Di nga ba ang pagmamahal ay para sa lahat?

Kailangan ba talaga mamili ng karapatdapat?
Ang nararamdaman ba ay di pa sapat?
At kailangan nga ba mag'aproba ang lahat?

Kung ano ang gusto mo ay di nasusukat sa paniniwala nila

'Di kailangan na laging makinig sa salitang kanilang binubuga
Ito'y kung ano ang gusto mo
O sino nga ba ang talagang iniibig mo

Dahil ikaw lang naman ang nakakaalam kung ano ka

At ang importante ay ika'y makakadama ng saya
'Di kailangan maramdaman nila na ito ba'y tama
'Di importante kung ang paningin nila sayo'y tama
Hangga't sa sarili mo alam mo na di ka nakakaapak ng pagkatao ng iba

2 comments:

  1. Congratulations!!! Your blog has made it to Top Three of our Blogs of Fame for the month of April! Your blog will now be featured in the Blogs of Fame sidebar for the whole month and your blog posts will also be featured weekly on our Facebook page.

    Keep up the good work!

    Best Regards,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete