Sunday, March 24, 2013

DITO KA NALANG

Pa'no kung mawawala ka

Makakaya ko pa ba?
Buksan muli ang puso para sa iba
Pagmamahal ko sayo'y sa iba naman ipapadama

Pwede bang dito ka nalang
Para iyong malaman
Na kaya kitang ibigin hanggang katapusan
Na kahit sa anong paraan ika'y aking ipaglalaban

Sa piling ko sana ika'y manatili
Upang hindi na ako makakaramdam ng pighati
Hiniling ko sa maykapal
Na sana'y madama mo kung gaano kita ka mahal

No comments:

Post a Comment