Saturday, March 9, 2013

BIGLA


Pangyayaring biglang naganap
Di ko alam kung paano ko iyon hinarap
Mabilisang tumitibok ang puso
Animo'y nakarating sa di maabot-abot na paraiso

Naramdaman bigla
Buhay ko'y sumigla
Dahil sa napakatamis mong himig
Ako'y iyong biglang pinaibig

Di malaman kung ano ang dahilan
Nabighani sa iyong kaibahan
Di tulad ng iba na kailangan pang patunayan
Sa isang salita'y nalaman na tayo pala'y nagmamahalan <3

No comments:

Post a Comment