Thursday, April 26, 2012

PAYO


Ang love daw parang cancer
kapag lumala I swear 
Kahit pumunta ka pa everywhere
'Di mo na ito matatakasan forever


Kahit anong paraan
'Di mo na ito magagamot kailan man 
Kapag ito'y iyong naramdaman 
Magsisimula na ang panahon ng kahirapan


Kahit ano'ng pilit mo
Mag-deny ka man sa buong mundo
Pero ang sarili mo
'Di mo talaga maloloko


Para bang isa itong hamon
Na ipinagkaloob ng poon
Kailangan mong harapin hindi bukas kun'di ngayon
Na dapat mong ipaglaban saan ka man naroroon


"Kapag tumibok ang puso
wala ka ng magagawa kun'di sundin ito"
Isang katagang 'di mo ikakaila
Na sat'wing iniisip mo ika'y nababahala


Kaya ako sayo just go with the flow
Baka 'yan pa ang maging daan para makamit mo ang high from low :]

No comments:

Post a Comment