'Di ko alam kung ano ang dahilan
Bakit ako'y sobrang nasasaktan
'Di ko alam kung ano'ng paraan
Upang mabura ang iyong nakaraan
Harapin ang bukas
Hawak kamay'ng tatahakin ang ating landas
Pero paano?
Wala ka na, tinalikuran ako upang bumalik sa nakaraan mo
Kahit ano'ng pilit ko
'Di na magbabago ang desisyon mo
'Wag mo lang sanang kalimutan
Nandito lang ako, kaya kitang mahalin ng walang katapusan >.<
No comments:
Post a Comment